Friday, October 23, 2026

NBI Dir. Matibag, hindi apektado sa kasong cyberlibel ni Davao Rep. Pulong Duterte

Nanindigan si NBI Director Atty. Melvin Matibag na ginagawa lamang niya ang kaniyang tungkulin at walang halong political bias sa mga ebidensyang inilalabas nito tungkol sa ari-arian at kaduda-dudang dokumento na may kaugnayan sa mga Duterte.

Ito ay kasunod ng paghahain ni Davao City Representative Paolo Duterte ngayong araw ng kasong cyberlibel laban sa kanya, kasama sina Rodulfo Gracioso Jr., at ng isang media giant, ang GMA Network.

Ayon kay Matibag, hihintayin pa niya ang opisyal na kopya ng reklamo at hahayaang ang sistema ng hustisya ang magpasya sa naturang kaso.

Giit ng opisyal, dapat resolbahin ang usapin sa pamamagitan ng ebidensya at tamang proseso ng batas sa halip na sa pamamagitan ng mga pampublikong akusasyon.

Dagdag pa ni Matibag, hindi naman maaaring pigilan ang kampo ni Duterte na magsampa ng kaso at mabuting idinaan ito ng mambabatas sa tamang proseso upang masundan ang direksyon ng reklamo.

Facebook Comments