
Posibleng tumawid sa Disyembre ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ito ang inihayag ni Senate President Sherwin Gatchalian matapos matanong kung tuloy pa rin ang target na sa Nobyembre ay matapos na ang paglilitis.
Ayon kay Gatchalian, mukhang hindi na kakayanin sa Nobyembre at malaki ang tsansang tumawid sa Disyembre para matapos ang paglilitis at makapagbaba ng hatol sa bise presidente.
Samantala sinabi ni Gatchalian na wala siyang alam sa sinabi ng defense team na baka tumagal lang ng walong araw ang kanilang pagpiprisinta ng testigo at ebidensya
Ayon Kay Gatchalian, ipinauubaya nila sa depensa ang presentasyon ng ebidensya at mga testigo para sagutin ang impeachment case laban kay VP Sara partikular ang sinasabing hindi maipaliwanag na yaman nito.










