Monday, June 8, 2026

Pagsisimula ng klase ngayong araw, naging payapa ayon sa PNP

Generally peaceful ang pagbubukas ng klase ngayong araw ayon ito sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Acting Chief PIO PCol. Allen Rae Co, tahimik at naging maayos naman ang naging pagsisimula ng klase sa buong bansa.

Kung saan mahigit 58,000 na mga PNP personnel ang idineploy para tumiyak ng seguridad malapit sa mga paaralan.

Kaugnay nito, katuwang naman nila ang mahigit 8, 000 ibang unit at mahigit 162, 000 na force multipliers.

Facebook Comments