
Kinwestyon ni Senator Erwin Tulfo ang pagiging selective sa mga idinadawit at paiba-ibang pahayag ng 18 dating marines tungkol sa paghahatid ng kickback sa aniya’y bogus na imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.
Kabilang na rito ang mga nagtatalong mga testimonya tulad sa sinumpaang salaysay noong una na nagdeliver si Gumban ng anim na medium-sized na maleta ngunit sa testimonya kahapon ay dalawa at anim na maleta na ang idineklara.
Iba-iba na rin ang sinasabing halaga ng maleta depende sa laki.
Kung noong una ay P15-25 million lang sa small na maleta, ngayon ay P20-P25 million na at ang medium-sized luggage na noong una ay P30-40 million, ngayon ay P40-P50 million na.
Sinita rin ni Sen. Erwin na pili lang ang binanggit na pangalan kahapon sa pagdinig kumpara sa kanilang sworn affidavit na kasama si Senator Loren Legarda at Senator Mark Villar na noo’y Department Of Public Works And Highways (DPWH) Secretary sa nabigyan ng kickback sa flood control projects.
Tanong tuloy ni Tulfo na ito ba ang sinasabing impartial investigation na kapag kaalyado ay ligtas ka at kapag tumutuligsa ay delikado ka.
Pasaring pa ng senador, walang puwang sa Senado ang mga fake news at trolls at sana ay nag-Facebook (FB) live na lang si Cayetano.










