ILANG PANGUNAHING KAKALSADAHAN SADAGUPAN CITY, MAY TUBIG BAHA PA RIN NGAYONG ARAW; PAG-UULAN, PATULOY NANARARANASAN

‎Ilang pangunahing kalsada sa Dagupan City ang may tubig baha pa rin ngayong araw bunsod ng epekto ng tuloy tuloy na pag-uulan dulot ng Habagat.

‎Sa bahagi ng Downtown, sa matataas na bahagi muna nanatili ang mga vendors pati na rin ang mga tricycle drivers na rumuruta sa nasabing bahagi dahil sa tubig baha.

‎Mataas din ang tubig baha kaninang umaga sa bahagi ng Tapuac papunta ng Lucao kaya naman ilan sa light vehicles ang umiiwas munang dumaan sa nasabing bahagi habang ang iba naman ay sinubukan pa ring tumawid.

‎Ilang bahagi rin sa Perez ang naabot ng tubig baha.

‎Mataas pa rin ang tubig sa bahagi ng Mayombo papunta ng Calasiao kung saan ang iba sa dumadaan ay nakasuot na ng overall o wader para hindi lumusong sa tubig baha kaninang umaga.

‎Samantala, patuloy pa rin ang nararanasang malalakas na pag-ulan sa lalawigan ng Pangasinan.

‎Sa ngayon ay patuloy pa rin ang monitong ng awtoridad sa mga pangunahing kakalsadahan at sa buong lungsod lalo na sa mga mabababang lugar na madalas bahain para sa agarang pagtugon sa mga residenteng nangangailangan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments