LINGAYEN PNP, BFP AT DSWD NAGSANIB-PUWERSA SA RELIEF OPERATION SA BRGY. CAPANDANAN

‎‎Nagsanib-puwersa ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa relief operation sa Barangay Capandanan, Lingayen, Pangasinan.

‎Pinangunahan ng mga tauhan ng Lingayen Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Junmar C. Gonzales, Chief of Police, ang isinagawang pamamahagi ng mga food pack at iba pang emergency supplies sa mga pamilyang naapektuhan ng masamang panahon.

‎Layunin ng joint relief operation na matiyak na agad na makararating ang kinakailangang tulong sa mga residenteng nangangailangan.

‎Sa pamamagitan ng koordinasyon ng iba’t ibang ahensya, patuloy na ipinakikita ng Lingayen MPS ang kanilang suporta at serbisyo sa komunidad, lalo na sa panahon ng kalamidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments