Tuesday, September 1, 2026

56 na Chinese vessels, na-monitor sa West Philippine Sea nitong buwan ng Agosto —AFP

Nakapag-monitor ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng nasa 56 na vessels ng China sa apat na maritime features sa West Philippine Sea (WPS) nitong buwan ng Agosto.

Kabilang dito ang 18 vessels sa Ayungin Shoal, 23 sa Bajo de Masinloc, siyam sa Escoda Shoal, at anim sa Pag-asa Island.

Samantala, nasa kabuuang 18,534 na vessels ang namataang naglalakbay sa loob ng Philippine maritime zones kung saan nasa halos 16,000 rito ay mga foreign-flagged vessels habang ang higit 2,500 naman dito ay mga domestic vessels.

Habang nasa higit 12,000 naman ang sumunod sa international protocols na naitalang nagrespond sa radio challenges at nasa 6,032 naman dito ay naitalang hindi tumugon.

Tiniyak naman ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas na patuloy silang magbabantay at magsasagawa ng operasyon sa teritoryo ng bansa.

Facebook Comments