Nagsagawa ng magkasanib na rescue operation ang Lingayen Municipal Police Station (MPS), Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO), at Bureau of Fire Protection (BFP) sa Barangay Tumbar, Lingayen, Pangasinan, upang iligtas at ilikas ang mga residenteng apektado ng pagbaha.
Nagtulungan ang mga responder sa pagresponde sa mga binahang lugar na may panganib upang matiyak ang ligtas na paglikas ng mga residente.
Kabilang sa binigyang-prayoridad ang mga bata at matatanda na inilikas patungo sa mga itinalagang pansamantalang evacuation shelter.
Nanatiling nakaalerto ang Lingayen MPS at patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga disaster response team at lokal na awtoridad upang matugunan ang mga residenteng nangangailangam ng tulong at responde para sa pagpapanatili ng kaligtasan sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










