Nangunguna sa operasyon ang Aguilar Municipal Police Station sa pangunguna ni PMAJ Mark Ryan C. Taminaya, OIC, katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Aguilar sa pangunguna ni Mayor Kristal Ballesteros-Soriano, Philippine Red Cross, MDRRMO Aguilar at BFP Aguilar.
Layunin ng magkakatuwang na responder na matiyak ang kaligtasan at agarang matugunan ang pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan ng pagbaha.
Sa kabila ng masamang lagay ng panahon, nananatiling nakaalerto at handa ang mga kapulisan at iba pang responder sa patuloy na pagresponde sa mga nangangailangan ng tulong.
Patuloy naman ang pagtutulungan ng mga ahensya at lokal na pamahalaan bilang bahagi ng bayanihan upang maprotektahan ang buhay at kaligtasan ng mga residente sa gitna ng kalamidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







