
Dumagsa ang ilang mga residente sa Lungsod ng Maynila para humabol na magparehistro sa huling araw ng voters registration.
Partikular sa tatlong mall na ginawang satellite registration sites ng Commission on Elections (COMELEC).
Ilan sa kanila ay tinitiis ang init habang naghihintay na makapasok sa loob para ma-proseso ang kanilang rehistro o kaya magpa-bago at magpa-update ng kanilang record.
Bawat mall ay may itinalagang distrito sa pagpaparehistro upang hindi magsiksikan kung saan maaga silang inabisuhan hinggil dito upang hindi magkaroon ng pagkalito.
Sinimulan ang pagpaparehistro kaninang alas-8:00 ng umaga at magtatapos ito hanggang alas-5:00 ng hapon.
Matatandaan na una ng sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na wala ng silang plang palawigin pa ang pagpaparehistro lalo na’t ilan buwan na rin ang lumipas o noong October 2025 pa ito sinimulan.










