Monday, May 18, 2026

Pilipinas, nangunguna sa Asya sa pagtugon sa epekto ng Middle East conflict — ADB

COURTESY: Department of Social Welfare and Development/Facebook

Kinilala ng Asian Development Bank (ADB) ang Pilipinas bilang isa sa may pinakamalawak na hakbang sa Asya laban sa epekto ng gulo sa Middle East sa presyo ng langis.

Sa ulat ng ADB, pito sa walong pangunahing economic response measures ang ipinatupad ng bansa.

Kabilang dito ang fuel subsidies para sa halos isang milyong Public Utility Vehicle (PUV) drivers, magsasaka, at mangingisda, at ayuda para sa mahigit apat na milyong pamilya.

Bukod sa India, Pilipinas lang din ang kinilala sa pagtutulak ng alternative energy at renewable energy projects para mabawasan ang pagdepende sa imported na langis.

Ayon sa ADB, nagsilbing panangga ng ekonomiya ang mabilis at malawak na tugon ng Pilipinas laban sa oil shock at inflation.

Facebook Comments