Wednesday, May 13, 2026

Mga natalong kandidato noong 2025 Elections, maaari nang italaga sa government position

Pwede nang magtalaga si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng natalong kandidato noong 2025 elections para sa gobyerno.

Ito ang sinabi ni Commission on Elections (ComElec) Chairman George Erwin Garcia kasunod ng pagtatapos ng 1 year ban para sa appointment ng mga natalong kandidato sa halalan.

Ayon kay Garcia, nakasaad sa Saligang Batas na hindi pwedeng italaga agad ang isang natalong kandidato sa loob nang isang taon mula nang idaos ang eleksyon.

Ito ay upang maiwasan ang pag-abuso sa kapangyarihan at masiguro na pantay ang oportunidad sa paglilingkod.

Nasa appointing authority naman aniya ang kapangyarihan ng pagtatalaga sa isang indibidwal sa posisyon sa gobyerno.

Nauna nang umugong na papalitan na umano ni dating Interior Secretary Benhur Abalos bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ) si Secretary Eric Vida ayon sa mamamahayag na si Mon Tulfo.

Pero sa ngayon ay hindi ito kinukumpirma ng Palasyo at ng DOJ.

Facebook Comments