MOTOR AT KOTSE, NASANGKOT SA BANGGAAN SA DAGUPAN CITY; NAKAPARADANG SASAKYAN, NADAMAY

Isang vehicular traffic incident ang nangyari sa kahabaan ng Arellano St. Barangay Pantal, Dagupan City bandang 11:38 AM ngayong araw ng Huwebes, November 5, 2026.

 

Ayon sa sakay ng nakaparadang kotse sa gilid ng highway, nadamay lamang ang kaniyang sasakyan matapos ang umano’y banggaan ng isang motor at isang kotse.

 

Agad naman na naisugod sa ospital ang driver ng motor at wala namang naitalang sugatan sa mga sakay ng kotse.

Agad naman rumesponde ang awtoridad upang matugunan at makapagsagawa ng agarang imbestigasyon ukol sa naganap na insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments