Iloilo City government, sinimulan ang panghuhuli sa mga badjao

65

Iloilo City – Sinimulan na ng Iloilo City Government ang paghuli sa mga badjao na nagsulputan at nagkalat sa lungsod lalo na’t palapit na ang Christmas season.

Inikot ng Public Safety and Transportation Management ang distrito ng Mandurriao partikular ang public plaza kung saan madalas namamalagi ang mga badjao.

Ngunit mabilis nagtakbuhan ang mga ito nang makita ang mga otoridad kung saan mayroon pang iba na tumalon sa ilog.

Dahil dito, maglalagay na lamang ang local government ng mga spotter na siyang magbabantay sa mga badjao at kung makita ang mga ito sa isang lugar ay kaagad ipapaalam sa kanilang tanggapan upang hulihin ang mga ito.

Facebook Comments