2018 PBA all-star game, planong ganapin sa iba’t ibang bahagi ng bansa

24

PBA – Plano ngayon ng PBA na ganapin sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ang gaganaping 2018 all-star event.

Ayon kay PBA Director for External Affairs Willie Marcial, gaya noong nakaraang taon ay dadalhin nila sa iba’t-ibang probinsya ang nasabing event kung saan ilan sa mga lugar na naaprubahan ay sa Batangas sa Luzon game, Davao sa Mindanao habang wala pang napiling lugar para sa Visayas.

Dagdag pa nito, wala pa ring nataatapos na format para sa naturang all-star game.

Noong nakaraang mga laro kasi ay regular ang north versus south format subalit pinalitan na ito at isinali ang Gilas Pilipinas kontra PBA All Stars mula Mindanao, Visayas at Luzon.

Facebook Comments