Impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Sereno, nakatakdang dinggin ngayong araw

Manila, Philippines – Diringgin ngayong araw ng House Justice Committee kung may sufficiency in grounds ang impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Susuriin ng kumite kung impeachable ba ang mga bintang kay Sereno at kung may probable cause ito.

Ayon sa abogado ni Sereno na si Atty. Josa Deinla, humiling sila na payagan silang magsagawa ng cross examination sa mga testigo.


Karapatan ito ng punong mahistrado tulad ng iba pang nasasakdal.

Wala sa alinmang bahagi ng impeachment rules ng 17th congress na nagbabawal sa legal team ng Chief Justice para magsagawa ng cross examination.

Facebook Comments