Tatlo, namatay sa sunog sa Mandaue City sa Cebu

Cebu – Kasamang natupok ang isang mag-asawa at ang kanilang 10 taong gulang na anak nang masunog ang kanilang tinutulogan na bunk house sa loob ng isang lumberyard sa Barangay Tipolo lungsod ng Mandaue sa Cebu.

Mabilis na lumaki at kumalat ang apoy , kung kayat nahirapan ang mag-asawa na nakilalang sina Antonio at Maricel Paz pati na ang kanilang anak na si EJ na lumabas sa kanilang tinutuloyan na bunkhouse .

Ayun kay Sr. Fire Officer 1 John Herediano ng Bureau of Fire Protection sa Mandaue City, may palatandaan na sinubukan pa ng mag-anak na lumabas ngunit na-trap na ito sa nasusunog na lugar .


Natanggap ng BFP ang alarma sa sunod alas 4:10 kaninang madaling araw at kaagad na naapula sa loob lang ng limang minuto.

Inaalam pa ng BFP ang sanhi ng sunog .

Facebook Comments