Saturday, October 31, 2026

Malacañang, kinatigan ang panawagang iwasan ang insertions sa 2027 national budget

Kaisa ang Malacañang sa panawagan ng 35 business groups na alisin ang mga insertion sa panukalang 2027 national budget at tiyaking hindi maaabuso ang pondo ng bayan.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, nakalatag na sa National Expenditure Program o NEP ang mga programa at proyektong nais pondohan ng administrasyong Marcos.

Gayunman, nasa Kongreso ang kapangyarihang magsuri, magdagdag o magbawas ng pondo sa ilalim ng tinatawag na Power of the Purse.

Umaasa ang Palasyo na hindi mababawasan ang panukalang budget ng ehekutibo, lalo na kung maaapektuhan nito ang mga nakalaang programa at proyekto ng pamahalaan.

Iginiit ni Castro na dapat tiyaking magagamit ang pondo ng bayan para sa mga programang direktang pakikinabangan ng publiko.

Facebook Comments