Incoming President Rodrigo Duterte, Dumalo Sa Isang Private Thanksgiving Party Sa Cebu City

6

CEBU CITY – Dumalo sa isang private thanksgiving party si President-Elect Rodrigo Duterte na isinagawa sa Cebu Country Club.Ito ang unang biyahe ng alkalde sa labas ng Davao mula nang manalo sa halalan.Ang party ay sinimulan pasado alas-6:00 kagabi at pinangungunahan mismo ng Incoming President at ng kanyang pamilya.Ayon kay Jonjie Gonzales ang Co-Founder ng Bisaya Napud Movement at organizer ng nasabing event, nasa 300 na mga imbitadong bisita ang naroroon kung saan kinabibilangan ito ng mga supporters, volunteers at group leaders na sumuporta sa kandidatura ni duterte.Imbitado rin sa event si Vice Presidential Bet ng PDP-Laban na si Sen. Peter Alan Cayetano.Binawalan naman ang media na maka-cover sa nasabing event.Napag-alaman na alas-7:00 palang ng umaga ay naka-deploy na ang pnp sa Cebu Country Club para sa pag-secure sa lugar para sa mga bisita.Sinabi naman ni Davao Del Norte Rep. Bebor Alvarez na ito ay pasalamat dahil sa pagkapanalo rito ni Duterte.Si Gonzales at Michael Diño ang iniligay sa pwesto bilang Presidential Assistant for the Visayas kung saan sila ang may malaking papel sa kampanya ni duterte sa probinsiya ng cebu.

Facebook Comments