Saturday, August 1, 2026

Schools Division Office ng Las Piñas, nakikipagtulungan sa imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay ng insidente ng panananaksak sa Las Piñas National High School; isang estudyante, patay

Nakikipag-unayan na ang Schools Division Office ng Las Piñas sa local authorities, barangay officials, at Philippine National Police, kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y insidente ng pananaksak ng grade-9 student sa Las Piñas National High School noong Biyernes, July 31.

Patuloy umanong gumagawa ng hakbang at pagsusuri sa seguridad at protocol ang nasabing paaralan.

Nagbigay rin umano ng psychological first aid at psychosocial support ang School Guidance Advocates sa mga estudyante, maging sa teaching at non-teaching personnel ng nasabing paaralan.

Samantala, kinumpirma din ng nasabing dibisyon sa inilabas na pahayag sa kanilang Facebook page, na nagresulta umano ang nasabing insidente sa pagkasawi ng isang estudyante.

Kasabay nito, hinimok naman ng dibisyon ang publiko na iwasang magpakalat ng mga hindi berepikado at sensitibong impormasyon online kaugnay ng nasabing insidente, bilang respeto umano sa naiwang pamilya ng nasawing estudyante.

Facebook Comments