Bahagyang bumubuti ang bentahan ng bangus sa Malimgas Fish Market sa Dagupan City, kasabay ng unti-unting pagbangon ng presyo nito matapos ang pangamba sa naiulat na pagkamatay ng mga isda sa ilang palaisdaan sa bahagi ng Barangay Pugaro.
Ayon sa ilang manlalako, umabot sa ₱180 hanggang ₱200 kada kilo ang presyo ng bangus noong huling linggo ng Oktubre.
Aniya, nakababawi na rin sila sa presyuhan at bahagyang bumubuti ang bentahan.
Samantala, nagmumula sa Dagupan City at Alaminos City ang ilan sa mga suplay ng bangus, bagama’t mayroon ding nagmumula sa mga palaisdaan sa loob mismo ng Dagupan.
Matatandaang nilinaw ng lokal na pamahalaan na fish mortalities o pagkamatay ng ilang bangus ang naitala sa piling fish pens sa Barangay Pugaro.
Batay sa paunang pagsusuri ng City Agriculture Office, posibleng dulot ito ng kritikal na pagbaba ng dissolved oxygen sa tubig.
Hanggang sa ngayon, hindi pa beripikado ang aktuwal na bilang ng mga namatay na isda kaya patuloy pang inaalam ng mga kinauukulan ang lawak ng epekto nito sa industriya ng pagbabángus sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








