Wednesday, August 5, 2026

Inflation rate ng bansa noong Hulyo, bahagyang bumaba

Bahagyang bumagal ang inflation rate ng bansa sa 6.2% noong July 2026 kung ikukumpara sa 6.4% noong June 2026, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Miyerkules, August 4.

Pangunahing dahilan umano nito ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng transport na may 11.9% ambag sa inflation rate; mabagal na pagtaas ng presyo ng education services na may 1.9%; maging ang mabagal na pagtaas ng presyo ng restaurants and accomodation services na may 6.8% na ambag sa inflation rate.

Ang inflation rate ay ang datos na nagpapakita ng bilis o bagal ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa.

Facebook Comments