
Idiniin ni Senator Loren Legarda na hindi totoo at walang batayan ang alegasyon ng Office of the Ombudsman hinggil sa maanomalyang P10 billion solar contracts laban sa kanya at sa anak na si Batangas Rep. Leandro Leviste.
Kasunod na rin ito ng pahayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na umabot na sa preliminary investigation at inihahanda na ang pagsasampa ng kasong plunder at graft laban sa mag-ina.
Ayon kay Legarda, wala pa silang natatanggap na anumang komunikasyon mula sa Office of the Ombudsman kaugnay sa mga akusasyon.
Gayunman, tinitiyak ng senadora na hindi totoo at walang batayan ang mga alegasyon at wala ring pondo ng bayan ang nasasangkot sa isyu.
Handa rin si Legarda na ilahad ang katotohanan hinggil sa ibinabatong isyu ng ghost electricity project.
Umapela naman si Legarda sa publiko na maging mapanuri at tingnan ang panahon at konteskto sa likod ng paglabas ng mga alegasyong ito.










