
Binigyang-diin ni House Deputy Minority Leader and Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña na hindi dapat tantanan ng mga manggagawa ang Pasig Regional Trial Court hangga’t hindi nito binabawi ang Temporary Restraining Order sa P85 na wage increase sa National Capital Region.
Mensahe ito ni Cendaña kaakibat ng paghahain niya at ng iba pang labor leaders and workers ng intervention sa Pasig RTC na humihiling na ibasura ang TRO order na humaharang sa Wage Order No. 27 para sa mga manggagawa sa Metro Manila.
Giit ni Cendaña, “urgent” o dapat agad ma-lift ang naturang TRO dahil baka magamit itong batayan para harangin din ang iba pang ipapatupad ng umento sa sahod sa ibang rehiyon sa bansa.
Paliwanag ni Cendaña, malinaw sa Article 126 ng Labor Code na bawal i-TRO ang isang wage order na nagmula sa wage boards kaya sa wage boards ang tamang venue para mga apela at hindi sa RTC.










