
Nirerespeto ng Malacañang ang naging desisyon ng Sandiganbayan na payagan ang pansamantalang paglaya ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr.
Ayon kay Palace Press Officer at PCO Undersecretary Claire Castro, nasa mga prosecutor na ang pagpapasya kung ano ang nararapat na legal na hakbang o remedyo kaugnay ng inilabas na resolusyon ng korte.
Binigyang-diin din ni Castro na dapat manaig ang batas at masunod ang tamang proseso sa pagresolba ng kaso.
Pansamantalang nakalaya si Revilla matapos makapagpiyansa ng ₱1 milyon sa kasong malversation.
Facebook Comments










