Wednesday, August 5, 2026

Mga power distribution companies, pagbabawalang ipasa ang system loss charges sa mga consumer

Isinusulong ni Senator Chiz Escudero ang isang panukala na naglalayong ipagbawal sa mga power distribution companies ang pagpasa ng system loss charges sa mga consumer.

Sa inihaing Senate Bill No. 2345 ng senador, layong amyendahan ang Republic Act No. 9136 o ang Electric Power Industry Reform Act of 2001 (EPIRA), na kasalukuyang nagpapahintulot sa mga distribution utility na ipasa sa mga consumer ang bahagi ng system losses sa paghahatid ng kuryente.

Sa ilalim ng panukala, hindi na maaaring ipasa ng mga distribution utility sa kanilang mga customer ang gastos na dulot ng technical inefficiencies at electricity pilferage.

Binigyang-diin ng senador na ang mga konsumer ay dapat magbayad lang para sa aktuwal na kuryenteng kanilang nagamit.

Idiniin ni Escudero na mahirap pangatwiranan ang patuloy na paniningil ng system loss charges dahil hindi naman kontrolado ng mga consumer ang kondisyon ng power grid at wala rin silang pananagutan sa mga pagkalugi na dulot ng hindi episyenteng operasyon, lumang imprastraktura, o pagnanakaw ng kuryente.

Facebook Comments