Isinagawa ang surprise inspection ng mga kinatawan ng City Sanitation Office at City Health Office kasama ang kinatawan ng barangay para beripikahin ang mga alegasyon sa pasilidad.
Sinuyod ng mga opisyal ang iba’t ibang bahagi ng pasilidad, kabilang ang operasyon nito, waste management practices, at pagsunod sa mga umiiral na batas ukol sa wastong pamamahala ng basura.
Wala umanong nakitang paglabag na may kaugnayan sa open dumping of waste, gayundin ang mabahong amoy sa loob at paligid ng pasilidad sa panahon ng inspeksyon.
Sa kabila nito, sinabi ng mga kinauukulang tanggapan na magpapatuloy ang monitoring at koordinasyon kasama ang pamunuan ng Brgy. Pinmaludpod para agarang matugunan ang anumang susunod na reklamo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








