Naging tampok ang pagkakaisa ng mga ahensya ng pamahalaan, mga opisyal ng lungsod, at mga mamamayan sa pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa Alaminos City.
Nagtipon-tipon ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang tanggapan at sektor upang magbigay-pugay sa mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan ng bansa at upang muling pagtibayin ang kanilang pangako sa paglilingkod at pagmamahal sa bayan.
Binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa at responsableng mamamayan sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaunlaran.
Nakiisa sa programa ang mga opisyal at iba pang kinatawan ng mga lokal na ahensya.
Dumalo rin ang mga pinuno ng iba’t ibang tanggapan, kawani ng pamahalaan, at mga mamamayan na nagkaisa sa paggunita sa makasaysayang araw na sumisimbolo sa kalayaan, demokrasya, at pambansang pagkakakilanlan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










