Wednesday, May 20, 2026

Senador, nanindigang ebidensya lang ang kanilang pagbabatayan sa magiging hatol sa impeachment case vs. VP Sara

Muling iginiit ni Senate President pro-tempore Ping Lacson na tanging ebidensya lamang ang pagbabatayan ng kanilang magiging desisyon sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Kaugnay aniya ito sa lumabas na ulat na may paghatol na ang ilang mga senador sa impeachment case ni Vice President Sara kahit hindi pa ito naiaakyat sa Senado.

Ayon kay Lacson, masyadong maraming haka-haka at walang kahulugan ang ibinabato sa kanilang 24 na senador na tatayong senator judges.

Mayroon aniyang sinasabi na may mga senador ang tiyak na ico-convict o hindi naman kaya ay ipapa-walang sala si VP Sara.

Gayunman, isa lamang ang sinisiguro ni Lacson na sila ay magdedesisyon base sa mga ihahaing ebidensya sa impeachment trial.

Facebook Comments