
Muling bumabalik ang tiwala ng publiko kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ayon sa OCTA Research.
Ito ay matapos na maitala sa 54% ang trust ratings ng pangulo sa pinakahuling Tugon ng Masa Survey ngayong unang quarter ng taon.
Mas mataas ito kumpara sa 48% na nakuha ni PBBM noong huling bahagi ng 2025.
Umangat din ang performance rating ng pangulo sa 55% mula sa 51% noong Disyembre ng nakaraang taon.
Samantala, tumaas din ang trust ratings ni Vice President Sara Duterte kung saan nakakuha siya ng 55% mula sa dating 53%.
Pero kapansin-pansin naman ang pagbaba ng kaniyang performance rating na nasa 50% kumpara sa 54% noong 4th quarter ng 2025.
Ayon sa OCTA, isinagawa ang nationwide survey nitong March 19-25 sa pamamapgitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents na edad 18 pataas at may ±3% margin of error sa 95% confidence level.










