Monday, April 20, 2026

Lahat ng unit ng pulisya sa Bangsamoro Region, isinailalim sa heightened alert kasunod ng engkwentro sa Lanao del Sur na ikinasawi ng 10 myembro ng lokal na terorista

Isinailalim sa heightened alert ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng unit ng pulisya sa Bangsamoro Region para sa posibleng ganti ng Dawlah Islamiyah-Maute Group kasunod ito ng naging engkwentro sa Lanao Del Sur na ikinasawi ng 10 sa kanilang myembro.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., nagpapatuloy ang kanilang koordinasyon sa militar sa pagsasasagawa ng mga operasyon para tuluyan nang mabuwag ang mga natitirang miyembro ng lokal na grupong terorista upang maibalik ang kaayusan sa mga apektadong komunidad.

Binigyang-diin naman ni Nartataez na nananatiling kontrolado ng pulisya ang sitwasyon sa seguridad sa Lanao del Sur.

Aniya, kahit na may may banta ng ganting pag-atake ang nasabing grupo, ang pagpapatupad ng mataas na antas ng alerto ay isang maagap na hakbang para maprotektahan ang mga sibilyan.

Hinimok din niya ang mga residente na makipag-ugnayan sa mga awtoridad sakaling may makitang kahinahinalang aktibidad.

Facebook Comments