Isa pang U-turn slot sa EDSA, isasara

33
Photo Courtesy: MMDA Twitter

Isasara simula Pebrero 1 ang isang U-turn slot sa bahagi ng EDSA sa Caloocan City bilang bahagi ng busway project.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), partikular na isasara sa darating na Lunes ang General Tinio U-turn slot sa Caloocan City na layong pabilisin ang daloy ng mga bus sa EDSA busway.


Pinapayuhan naman ang mga motorista na dumaan sa Balintawak-Cloverleaf.

Para naman magabayan ang mga motorista ay may mga nakapwesto na signages sa lugar bilang gabay.

Nitong Enero ay isinara ang mga U-turn slot sa Bagong Barrio at General Malvar sa EDSA-Caloocan.

Facebook Comments