Isa, sugatan matapos masunog ang isang roro vessel sa Batangas

71

Nasunog dakong alas-5:59 kahapon ng hapon ang isang roro vessel sa katubigang sakop ng Batangas.

Batay inisyal na imbestigasyon, ang naturang roro vessel na MV ASIA PHILIPPINES ay mayroong 82 indibidwal na sakay kabilang 48 pasahero at 34 crew habang may 16 rolling cargo rin sakay ang naturang vessel.

Sugatan naman ang isang 44 taong gulang na babaeng pasahero kung saan isinugod ito sa hospital.


Batay sa update ng Philippine Coast Guard (PCG) as of 7:30 kagabi, na-rescue na ang aabot 73 indibidwal.

Nagpapatuloy naman ang search and rescue operations para sa iba pang sakay ng barko.

Mababatid na umalis ng Calapan Port ang naturang vessel dakong alas-3 ng hapon kahapon papuntang Batangas Port na inaasahan sanang darating ng alas-5:30 ng hapon.



Facebook Comments