Isabela Police Provincial Office, mas pinaigting pa ang pagbabantay matapos ang engkwentro sa pagitan ng militar at NPA

110

Isabela, Philippines – Nagpalabas ng kautusan ang Isabela Police Provincial Office sa mga himpilan ng pulisya na mas paigtingin ang pagbabantay sa kanilang nasasakupan.

Ito ay kasunod ng naganap na engkwentro sa pagitan ng sundalo ng 86th infantry battalion at mga kasapi ng npa na kabilang sa Benito Tesorio Command sa Barangay San Carlos, Echague, Isabela.

Ang nasabing kautusan ay para mahadlangan ang ibang plano ng mga makakaliwang pangkat.

Hinikayat pa ng pulisya ang publiko lalo na sa mga may presensiya ng NPA na agad makipag-ugnayan sa mga kinauukulan upang agad matugunan.

Facebook Comments