
May legal na batayan ang pagsuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ng 90 araw sa lisensya ng driver ng sasakyang sangkot sa viral video ng umano’y “gas-and-run” sa Cagayan.
Ito ang tugon ni LTO Chief at Assistant Secretary Marcus Lacanilao sa pahayag ni Atty. Roger Real Paz, na kaibigan ng vlogger at dating alkalde ng Allacapan, Cagayan na si Harry Florida.
Ayon kay Lacanilao, hindi dapat pinapalampas ang ganitong uri ng insidente at mali ang ginawang pagtatanggol sa sangkot na driver.
Samantala, nakatakdang isagawa ang pagdinig sa naturang isyu sa April 29.
Facebook Comments










