Isang construction worker, nahulihan ng baril sa Muntinlupa City

64

Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Muntinlupa City Police Station ang isang construction workers matapos na magsagawa ng Anti-Criminality Operation sa Muntinlupa City.

Kinilala ang suspek na si Jomari Pancipane, 25 anyos, residente ng Muntinlupa City.

Base sa report ng Muntinlupa City Police Station nagsagawa umano ang mga operatiba ng Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) sa Bautista Compound, Brgy. Alabang, Muntinlupa City kung saan naispatan ang suspek na mayroong nakasukbit sa kanyang baywang.


Agad na sinita ng mga tauhan ng Alabang Sub-Station at hinanapan ng mga dokumento ang bitbit nitong baril pero walang maipakitang mga papeles o dokumento.

Nakapiit na sa Muntinlupa Custodial Facility ang suspek para sa proper disposition.

Facebook Comments