Nagsagawa ng road safety lecture ang San Carlos City Police Station para sa mga miyembro ng tricycle operators and drivers association sa Barangay Mamarlao bilang bahagi ng kampanya laban sa reckless driving at mga aksidente sa kalsada.
Tinalakay sa aktibidad ang epekto at mga posibleng konsekwensya ng paglabag sa batas-trapiko, kabilang ang reckless driving, gayundin ang kahalagahan ng disiplina at responsableng pagmamaneho upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista, pasahero, at pedestrian.
Binigyang-diin din sa lecture ang mga legal na implikasyon at kaukulang kaparusahan sa mga paglabag sa batas-trapiko upang mapalakas ang kamalayan ng mga tsuper hinggil sa road safety.
Layunin ng programa na mapaigting ang information drive sa hanay ng mga pampublikong transport driver at mapalawak ang kooperasyon ng transport sector at kapulisan sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan sa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











