
Nakaabang lamang ang National Bureau of Investigation (NBI) sa posibleng paglalabas ng arrest warrant ng Sandiganbayan laban kay Senator Jinggoy Estrada.
Kasunod na rin ito ng pormal na pagsasampa ng Office of the Ombudsman ng plunder at graft charges laban sa senador sa Sandiganbayan kapahon.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, handa nilang isilbi ang warrant of arrest sakaling may ilabas na ang Sandiganbayan.
Aniya, sa sandaling ilabas ng Sandigan ang arrest warrant ay hindi sila mag-aatubiling ipatupad ang utos ng appelate court.
Kahapon nang magsampa si Assistant Ombudsman Mico Clavano ng kasong plunder at graft sa senador kaugnay sa umano’y iligal na budget insertions at project allocations sa mga infrastructure project ng Department of Public Works and Highways o DPWH para sa fiscal year 2025.
Humirit din ang Ombudsman ng hold departure order (HDO) laban kay Estrada at iba pang respondents kabilang ang dating DPWH Secretary na si Manuel Bonoan.










