
Iginiit ni Akbayan Party-list Representative Perci Cendaña na mas lalong dapat gawin ng Senado ang Konstitusyunal nitong mandato na litisin si Vice President Sara Duterte.
Diin ni Cendaña, dapat itong gawin ng Senado upang makabawi sa taumbayan ngayong nakadapa ang reputasyon nito.
Ayon kay Cendaña, dapat sumikat ang araw ng pananagutan laban sa isang linggong pang-aabuso at kaguluhan sa Senado.
Para kay Cendaña, ang kaguluhan nitong linggo ay hindi lamang tungkol kay Senador Bato Dela Rosa, dahil ito ay tiyak na may kaugnayan rin sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara.
Apela ni Cendaña sa mamamayan, kung nakatakas si Senador Bato gamit ang kaguluhan, ay huwag nating hayaang makatakas si VP Sara sa proseso ng pananagutan.
Facebook Comments










