SECURITY OFFICER NG OFFICE OF THE CIVIL DEFENSE, SUGATAN SA AKSIDENTE SA LA UNION

Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang isang Security Officer ng Office of the Civil Defense matapos itong masangkot sa aksidente sa lalawigan ng La Union.
Ang biktima ay nakilalang si Glenn Agudo residente ng Muntinlupa City.
Naganap ang aksidente sa bahagi ng Brgy. Central East sa bayan ng Bauang pasado alas otso ng Umaga habang sakay ng kanyang luxury car ang biktima ng biglang may tumawid sa kalsada.

Sinubukan naman itong iwasan ng biktima subalit natuluyang nawalan ng kontrol ito sa sasakyan at tumama sa pader sa gilid ng kalsada.
Dito ay nagtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan at patuloy na inoobserbahan. |ifmnews
Facebook Comments