Friday, May 15, 2026

Spokesperson ni Atty. Mans Carpio, binweltahan ang kwestyon ng respondents sa kasong ihinain nila

Mariing binuweltahan ng Spokesperson ni Atty. Mans Carpio ang alegasyong pananakot ang dahilan ng pagsasampa nila ng mga kaso laban sa ilang mambabatas.

Kasunod ito ng pagsasapubliko umano ng rekord ng mga bank accounts ni Carpio sa impeachment hearing ng Kamara noong nakaraang buwan na pinaniniwalaan ng kampo ni Carpio na paglabag sa Bank Secrecy Law, Data Privacy Act, and Anti-Money Laundering Act.

Maliban dito, binuwelatahan din ni Atty. Neil Abayon ang tanong ng mga respondents kung bakit sila kailangang sampahan ng kaso gayong ginagawa lang umano nila ng tama ang kanilang trabaho.

Samantala, hihintayin pa ng dalawang panig ang susunod na pagdinig sa May 29 para malaman ang schedule ng paghahain ng counter affidavit maging ang pagdalo ng iba pang respondents.

Facebook Comments