Batay sa paunang imbestigasyon, binabagtas umano ng motorsiklo ang eastbound lane nang biglang tumawid ang isang asong gala sa kalsada. Dahil dito, nawalan umano ng kontrol ang rider hanggang sa tumilapon at bumagsak sa sementadong bahagi ng daan.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Basista MPS at mga personnel ng Rural Health Unit (RHU) upang tulungan ang biktima. Isinugod siya sa Basista Rural Health Unit para mabigyan ng agarang medikal na atensyon dahil sa tinamong pinsala sa katawan.
Samantala, nagtamo rin ng pinsala ang nasabing motorsiklo na kasalukuyan pang inaalam ang halaga ng pagkasira. Pansamantala itong nasa kustodiya ng Lokal na pamahalaan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.
Pinaalalahanan naman ng Basista MPS ang mga motorista na maging maingat sa pagmamaneho, lalo na tuwing gabi at sa mga lugar na may posibilidad na may biglang tumatawid na mga hayop sa kalsada. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣





