ISANG PAMILYA, NAGKAROON NG BAGONG TAHANAN SA LA UNION SA TULONG NG “PABAHAY AT PAILAW NG PULIS”

Isang bagong yugto ng pag-asa ang nagsimula para sa isang amang si Rick Castillejos at kanyang dalawang anak matapos pormal na i-turnover ng 2nd La Union Provincial Mobile Force Company (LUPMFC) ang kanilang bagong bahay sa ilalim ng programang “Pabahay at Pailaw ng Pulis” sa Sitio Canubat, Barangay San Jose, Caba, La Union.

Sa pagtutulungan ng mga tauhan, concern citizen at organisasyon, matagumpay na naipagkaloob sa pamilya Castillejos ang isang ligtas, maaliwalas, at may sapat na ilaw na tahanan.

Ayon sa mga awtoridad, natukoy ang kalagayan ng pamilya habang nagsasagawa ang mga pulis ng prophylactic patrols at pamamahagi ng tulong sa mga mahihirap na residente sa bulubunduking bahagi ng Barangay San Jose. Nawalan ng paningin si Castillejos dahil sa brain tumor at dahil dito, nahirapan siyang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Dahil dito, inilunsad ng yunit ang proyekto sa ilalim ng 5P’s Impact Project Program upang matulungan ang mag-ama na magkaroon ng disenteng tirahan. Sa tulong ng mga partner organizations, stakeholders, advocacy support groups, at mga boluntaryo sa komunidad, naisakatuparan ang konstruksyon ng bagong bahay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments