POWER INTERRUPTION SA ILANG BAHAGI NG MALASIQUI AT BAYAMBANG, MARARANASAN SA LINGGO

Naglabas ng abiso ang CENPELCO hinggil sa nakatakdang pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente sa ilang lugar sa mga bayan ng Malasiqui at Bayambang sa Linggo, June 21, 2026, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Ayon sa abiso ng CENPELCO, isasagawa ang power interruption upang bigyang-daan ang ilang maintenance at improvement activities sa linya ng kuryente.

Kabilang sa mga apektadong lugar sa Malasiqui ang Tomling, Umando, Goliman, Pacuan, Bakitiw, bahagi ng Palong Baleg, bahagi ng Nalsian Norte, gayundin ang bahagi ng Mangayao sa Bayambang.

Mawawalan din ng suplay ng kuryente ang ilang bahagi ng Canan Sur, Malimpuec, at Banaoang sa Malasiqui habang isinasagawa ang mga kinakailangang trabaho sa linya.

Pinaalalahanan ng CENPELCO ang mga residente na maaaring maibalik ang suplay ng kuryente bago pa man ang itinakdang oras.

Humingi naman ng paumanhin ang CENPELCO sa mga maaapektuhang konsyumer at hiniling ang kanilang pang-unawa habang isinasagawa ang mga gawaing naglalayong mapabuti at mapanatili ang maayos na serbisyo ng kuryente sa kanilang nasasakupan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments