Nagsagawa ng on site validation ang mga kinatawan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Region 1 Project Development and Management Unit para sa mga proyekto ng lungsod Alaminos.
Ang validation ay bahagi ng pagsusuri para sa Most Significant Change Write-up ng lungsod kaugnay ng nominasyon nito sa CY 2026 National SubayBAYANI Awards, isang prestihiyosong pagkilala sa mga lokal na pamahalaan na nagpapakita ng kahusayan sa pagpapatupad at pamamahala ng mga proyektong pampubliko.
Sa isinagawang pagbisita, sinuri ng DILG Region 1 ang mga programang at proyektong ipinatupad ng lokal na pamahalaan upang matiyak ang kanilang epekto at ambag sa pag-unlad ng komunidad at kapakanan ng mga mamamayan.
Matatandaang kabilang ang Alaminos City sa mga huwarang lokal na pamahalaan sa bansa na ginawaran ng Exemplar Award sa ginanap na SubayBAYANI Awards 2025 dahil sa matagumpay nitong pagpapatupad ng mga proyektong pinondohan ng pamahalaan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








