Isang senador, kumbinsido na maaari nang alisin ang COVID-19 alert level

Kumbinsido si Senator Koko Pimentel na may scientific basis para ibaba o alisin na ang COVID-19 Alert Level.

Para kay Pimentel, kailangang pairalin ang polisiya na “living with COVID” o mamuhay na nariyan ang virus.

Sabi ni Pimentel, ito na ang magiging new normal o bagong paraan ng ating pamumuhay.


Pero giit ni Pimentel, sa new normal ay kailangan pa ring sundin ang mga health protocol.

Tinukoy ni Pimentel na ang pagsusuot ng face mask, pagsasagawa ng physical distancing, at pag-iwas sa mga matataong lugar.

Binanggit din ni Pimentel ang tamang asal sa pagbahin o pag-ubo na dapat ay lumayo o tumalikod sa tao.

Facebook Comments