Wednesday, September 30, 2026

COMELEC, nakahanda kung panigan ng Korte Suprema ang petisyon laban sa pagpapaliban sa BSKE

Handa ang Commission on Elections (COMELEC) kung katigan ng Korte Suprema ang petisyon na naglalayong pigilan ang pagpapatupad ng bagong batas na nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa 2028.

Sa pagdinig ng Senado para sa panukalang budget ng COMELEC sa 2027, sinabi ni Garcia na anuman ang kautusan na ilalabas ng Supreme Court ay nakahanda ang COMELEC.

Gayunman, ipinatigil na niya ang lahat ng aktibidad na may kaugnayan sa BSKE.

Sinabi pa ni Garcia na kung isyuhan ng Temporary Restraining Order (TRO) ang batas ay hindi nila kakayanin na ituloy sa November 2 ang halalan at kakailanganin pa nila ng dalawang linggo.

Nasa higit P8 billion na ang kanilang nagasta sa paghahanda sa pagbili ng kagamitan, mga balota at manpower.

Masayang man ang ginastos sa manpower, mapapakinabangan pa naman aniya sa susunod na eleksyon ang mga biniling supplies at equipment basta’t maingatan sa bodega.

Facebook Comments