
Posibleng bumilis sa limang minuto ang biyahe ng mga motorista sa bahagi ng Valenzuela City at Quezon City ngayong Undas, kasunod ng pagbubukas ng NLEX Segment 8.2 Section 1A.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., minadali ang pagbubukas ng proyekto upang mapadali ang biyahe ng mga motorista ngayong Undas, lalo na ng mga dadalaw sa mga sementeryo.
Mula sa dating 40 hanggang 45 minuto, limang minuto na lamang ang biyahe sa bagong dalawang kilometrong kalsada.
Nag-uugnay ang bagong kalsada sa Mindanao Avenue sa Valenzuela City at Quirino Highway sa Quezon City.
Inaasahang makatutulong ito sa pagpapagaan ng daloy ng trapiko at pagbawas sa oras ng biyahe ng mga motorista.
Libre ang toll sa nasabing kalsada hanggang sa katapusan ng taon.
Chzianelle Salazar, RMN Manila










