
Sisimulan na ng Department of Agriculture (DA) ang pamamahagi ng subsidiya sa mga mangingisdang apektado ng basgyo at El Niño ngayong linggo.
Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ngayong Lunes, Oct. 5, maayos na ang listahan ng mga benepisyaryong mangingisda na kasali sa makakatanggap ng ayuda.
Sa kabilang banda, inaayos na rin ang listahan ng mga kwalipikadong magsasaka, para maipamahagi na rin ang subsidiya bago matapos ang Oktubre.
Dagdag pa ni DA Sec. Laurel, may P6.2-B na dagdag na pondo rin para sa fuel subsidy at iba pang tulong sa mga magsasaka, mangingisda at trucker ng agricultural products.
Nangako naman ang ahensya na patuloy ang kanilang suporta sa mga magsasaka at mangingisda para maibsan ang kanilang isipin ngayong panahon ng tagtuyot.










