Thursday, October 8, 2026

Panukalang 2027 national budget, lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara

Inaprubahan na sa ikalawang pagbasa ng House of Representatives ang House Bill No. 10858 panukalang 2027 national budget na nagkakahalaga ng P7.2-trillion at target itong ipasa sa ikatlo at huling pagbasa sa susunod na linggo.

Ang buong proseso ay pinangunahan ni House Committee on Appropriations Chairperson at Nueva Ecija 1st district Rep. Mikaela Angela Suansing.

Kasamang inaprubahan ang mga institutional ammendmends na may kabuuang halaga na 116-billion pesos na inirekomenda ng Budget Amendments Review Subcommittee (BARSc).

Kabilang dito ang mga dagdag na pondo para sa MAIFIP, AICs, TUPAD, at ang confidential funds ng iba’t ibang kaukulang ahensya tulad ng National Bureau of Investigation (NBI) at Office of the Ombudsman.

Nilagyan naman ng BARSc ng pondo ang “zero budget” sa 2027 national expenditure program tulad ng school safety and security program, at academic recovery and accessible learning o ARAL.

Kasama ding pinondohan ang fuel subsidy program, service contracting program at NCR busway na pawang nasa ilalim ng Department of Transportation gayundin ang Presidential Assistance to Farmers and Fisherfolks ng Department of Agriculture.

Ang 2027 General Appropriations Bill ay ang ikalawang national budget na binusisi sa ilalim ng mas pina-igting na transparency kung saan binigyang ng papel ang mga civil society organizations.

Facebook Comments